Grin Department - Miss Miss Sa Loob Ng Jeepney lyrics

Published

0 468 0

Grin Department - Miss Miss Sa Loob Ng Jeepney lyrics

Minsan sumakay ako ng jeep, galing ng eskuwela Meron akong nakita sumakay na magandang dalaga Itong chick ay seksi talaga at sos ang dating Kaya naisipan kong magpacute at magpapansin Oh, anong tuwa ko nang abutin ko ang kanyang bayad Para akong asong ulol baw waw waw na nagkakandarapa Halos magkanda-haba haba haba haba haba haba Ang aking kamay sa pag-abot nang kanyang sukli Sabay bigla akong nag-hi, "hi!" Miss miss sa loob ng jeepney Sana naman ako ay bigyang pansin Miss miss sa loob ng jeepney Sana naman akoy bigyan tingin (Tingin naman diyan) (Tingin naman diyan) Isa lang po ang aking problema Kung paano ko siya makikilala Eh pumara ang jeep, sumakay si lola E puno na pala Kahit di ko gawain Ako'y napilitan, "lola dito ka na" Nang akoy nakasabit Nabigla ang bulong niya "ingat ka baka ka madisgrasya" Akoy na shock sa caring niya Akoy na shock kasi concern siya Pumalakpak ang aking tenga Plak, plak, plak, ang sabi na aking tenga Miss miss sa loob ng jeepney Sana naman ako ay bigyang pansin Miss miss sa loob ng jeepney Sana naman akoy bigyan tingin (Tingin naman diyan) (Tingin naman diyan) Pagdating sa dulo biglang natraffic may banggaan daw sa kanto Nagkabanggaan ang aming tingin, nauwi sa mabuting usapin Nagkabanggaan, nagkahabaan ang aming usapan Mula kababawan hanggang kalaliman, di ko namalayan Siya pala ay papara na Goodbye goodbye ang sabi niya Goodbye goodbye hangang sa muling pagkikita Goodbye, goodbye, goobye Goodbye, goodbye Nakalimutan kong itanong pangalan niya at tirahan niya Nakalinutan kong isulat phone mumber niya o beeper number niya Nakalimutan kong sabihin ang pangalan ko at ang bayan ko Nakalimutan ko nakalimutan ko nakalimutan ko pati bayad ko Miss miss sa loob ng jeepney Sana naman akoy bigyang pansin Miss miss sa loob ng jeepney Sana naman akoy bigyang tingin Miss miss sa loob ng jeepney Sana naman ako'y kausapin Miss miss sa loob ng jeepney Pamasahe mo'y aking aabutin Paano kita hahanapin paano kita hahagilapin Eh hinabol ako ng driver na sinakyan natin Kaya, kaya, kaya, kaya Nag 1-2-3 ako takbo na