Gloc9 - The Bobo Song lyrics

Published

0 129 0

Gloc9 - The Bobo Song lyrics

Lahat nang nakikita ko Lahat nang nakikita ko Nakaka, nakaka, nakaka-bobo Nakaka, nakaka, nakaka-bobo Ang pinilakang tabing na sariling atin natabunan Ang mga telenovela na pinilit lang ang dubbing Walang palabas at mas madalas mag patalastas Sa aming telebisyon biglang inisip ko ang aking Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin Ako ay pilipino sa isip at sa damdamin Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog Pag malapit na maluto ang sinaing Huminahon ka itay baka ka mabulunan Sa laki ng binayad ko wala kong natutunan Ni kapiranggot mula nung unang baitang Pumapasok lang ako para mangutang kay maam Ng pambili ng kanin, chicken adobo Araw-araw ganito nakaka-bobo [Chorus] Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo Kahit nakapikit ako nakaka-bobo Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakaka-bobo Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo Kahit nakapikit ako nakaka-bobo Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakaka-bobo [Verse 2] Pulitiko na sa showbiz posible na pala Ang dami nang artista sa pulitika tanga Bobo, inutil, walang pinag-aralan Hangal, hung-hang sino bang pinagmanahan Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata Upang mapansin ka ng madla Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu In da loop sa chika chuvanes ke churva eklavu Mga chismis na nahuli na nang isang dekada May pelikula kaya ngayon sila'y mag syota Da who itong starlet na sa banyo nadulas Wag na wag mong ililipat susunod na sa the buzz 1 2 3 teka lang nauna me Makakakita ka nang mga natapakan sa tv Habang kinakain mo yung kanin, chicken adobo Ayoko ng ganito nakaka-bobo [Chorus] Takot kang magtanong takot kang magpaulit Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit Takot kang magtanong takot kang magpaulit Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit Kala mo alam mo to kala alam mo yan Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam [Verse 3] Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga Nakapangalumbaba simula pa nung bata Di naman importanteng magpakadalubhasa Ang sakin lang naman ikaw ay maliwanagan Wag na wag mong gawing dahilan ang kahirapan Maniwala, pero wag umasa sa himala Wala pang nanan*lo sa lotto na di tumataya Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong Mas masahol pa sa bobo ang bobo nagmarunong Kung ang pag-iisip para sayo'y nakakangawit Ibenta mo ang utak mo kung di mo ginagamit Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao Pilipino lang ako pag nanan*lo si Pacquiao Pag narinig ko yung kanin, chicken adobo Nakaka-indak kahit nakaka-bobo [Chorus] Takot kang magtanong takot kang magpaulit Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit Takot kang magtanong takot kang magpaulit Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit Kala mo alam mo to kala alam mo yan Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam Bobo!