Gloc9 - Lando lyrics

Published

0 195 0

Gloc9 - Lando lyrics

chorus huwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim di ka hahayaan na muli pang masaktan huwag kanang matakot sa dilim itoy kwentong hango nanggaling sa dalawang taong nagmamahalan ng tunay ang ngala'y elsa at lando at kahit parang ang pagkakataon ay nakakandado dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado ng buhay ni lando ay dina lalayo sa marami sinunug ng araw ang kulay ng balat at marami nang galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang makipag kapwa tao sa mga tulad niyang dukha gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibig chorus huwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim di ka hahayaan na muli pang masaktan huwag kanang matakot sa dilim kahit na ano mang bagay ang pilit na ihadlang at sino man ay walang makapipigil sa paghakbang ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya niyayang magtanana di nag-atubili na sumama hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa nagpakalayo-layo di namuhay ng may kaba dahil alam nilana sa bawat isa'y nakalaan at pagmamahalan tangi nilang sinasandalan wala nang ibang bagay pa silang mahihiling kung di isang pamilya sa loob ng apat na dingding at isang bubong na maaaring tawaging tahanan bakit may pangit nakabanatang kailangang daanan pa chorus huwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim di ka hahayaan na muli pang masaktan huwag kanang matakot sa dilim isang gabi ng huwebes lumubog na ang araw doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao upang ating paghatian pagdating ng hapunan mayro'n palang nakaabang sa 'min na kamalasan eskinita sa ermita may sumaksak kay elsa sa tagiliran isang makalawang na lanseta ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa hindi ko naabutang buhay ang aking mahal at hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal bakit po, bakit po ang laging lumalabas sa aking bibig palboy-laboy ni walang landas akong sinusunod baliw sa mata ng marami siguro nga di ko na kilala ang aking sarili pangala'y taong grasa may patalim na gamit at ang tanging alam ay isang malungkot na awit at ang sabi'y chorus huwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim di ka hahayaan na muli pang masaktan huwag kanang matakot sa dilim huwag kanang matakot sa dilim