Gloc9 - Diploma lyrics

Published

0 174 0

Gloc9 - Diploma lyrics

[Intro] Ang pangalan ko'y Aristotle Pollisco Nag-aral sa Binangonan Elementary School Nagtapos sa mataas na paaralan ng Morong Rizal Nag-aral ng kolehiyo, nagtigil Nagpatuloy ng dalawang taon ngunit hindi po ako nakatapos ng aking pag-aaral Mula pa nung pagkabata ako ang syang kinukutsa Sa tambayan ng mayayabang at may laman ang bulsa Habang ang mga katulad ko'y pinipilit na makaahon Laging laman ng mga tawanan kailan ba makakabangon Sa mga panghuhusga na kanilang mga mata Pinilit kong hindi lumuha sa harapan ng iba At ginamit ang mga pangit at kahit yan ang sinapit Ay di ko mapapayagan tuluyan akong malait At maubusan ng lupang aking pwedeng tapakan Aking pwedeng lakaran, aking pwedeng tamnan Ng mga binhing sa kalaunan ay aking pwedeng maani At aking pwedeng masabi minsan ako ay naghari Sa palasyo ng pangarap na aking inaasam Walang nakahadlang kahit na may pasan pasan Sa bawat letrang sinulat halika ika'y sumama Sa kapirasong papel na tinuturing kong diploma Chorus: Siya si gloc-9 taga Binangonan Rizal Isang makatang maririnig sa kahit saang lugar At kahit 'di nakatapos ng pag-aaral halika Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma Isang kapirasong papel na pinahiran ng tinta Parang larawang ginuhit na ginamitan ng pinta Ng isang pintor, na inalay ang bawat araw sa buhay Upang ang damdamin kanyang mailarawan ng tunay At kulay na ang puhunan ay laging patak ng pawis At ang kapalaran ay nakasaad sa mukha ng bayaning inihagis Kara o krus ganyan ang buhay ng mga katulad namin Mga salitang namulat binuhat sagad sa damdamin At handang hanapin at hamakin ang nang masabi ko na akin ang Araw na narinig ang mga sinulat kong salitang Musmus pa lamang ay dinadalangin Maranasan ang palakpakan kasabay ng hangin Ayokong magtunog mayabang sa awitin na to Pero sabihin mo sa akin kung sino pa sa larangan na to Bukod sa taga Antipolong iniidolo ko Wala na sigurong sasabay sa awiting kong ito kasi