Gloc - Hindi Nadinig lyrics

Published

0 133 0

Gloc - Hindi Nadinig lyrics

[Chorus : Jay Durias] Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan Nagkamali ako sa mga pangako mo Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan [Verse 1 : Gloc 9] Minahal na kita nang makita kita Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba Kinapalan ang mukha niligawan kita Kahit ako ay alangan sa mata ng iba Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw Kahit na anong mangyari ako'y di bumitaw Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw Ang aking kayakap ay walang iba kungdi ikaw Kaya't ganun na lamang ang aking saya nung ako ay Nagpaalam ngunit hinawakan mong aking kamay At sinabi sa'kin sa hangin parang tinangay Nang minahal mo ako pwede na kong mamatay Ako'y nagsikap upang maibigay sa'yo ang langit Karanyaan sa buhay at mamahaling gamit Kahit minsa'y nagtatalo sayo'y di kayang magalit Bawat hakbang palayo ako'y patakbong lumalapit Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat Ang lahat kinasabwat handa kong gawin ang lahat Nang ang pag-ibig natin sa isa't-isa'y hindi lumabo Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo -Chorus- [Verse 2 : Gloc 9] Lagi kang ginagabi ang huli kagabi Madalis na magising wala ka saking tabi Pero di naman siguro, baka guni-guni ko lamang to Walang lang to, siya'y may pinapabili Bagong damit bagong alahas, mahal basta ikaw Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw Ako ay medyo natuwa, di kaya sana naman Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman Ngunit nag-aalangan di ko mapag-alaman Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan Isang araw ay dinugo halos lahat ay isumpa mo Di ko lubos maisip, di ko alam kung pano Unti-unting nagbago dinuduro mo pa ko Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko Umuwi ng maaga ingay na tagos sa dingding Huling-huli sa akto sa'kin binaling ang tingin Hindi na kita mahal sabay hubad ng yong singsing Ako'y binalot ng galit at nagdilim ang paningin -Chorus- [Verse 3 : Gloc 9] Ako'y bumunot ng baril na dinala kaya pala Kahit walang dahilan magagamit ko pala Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara Lahat ay gustong isigaw ngunit kumalso ang panga Pinilingan ang mata, tinalian ang kamay Minartilyo sa paa sige tumakbo kang pilay Kahit kayo ay mag-ingay, sige todo bigay Di na rin naman pwedeng maging testigo si Inday Inunahan ko na siya bago pa mangyari to Wala kayong kamalay-malay kung gano kagrabe to Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi ko Sa idudulot kong sakit na nakaka-imbalido Kasing kulay na ng talong ang mga kutis niyo ngayon Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon Buhok niyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong Sisilaban hanggang magbaga na parang Bulkang Mayon Lumamig na ang luhang galing sayo at tumilig Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib Daliri ko'y nasa gatilyo sabay subo sa bibig Minahal naman kita bakit hindi mo nadinig