Gloc 9 - Talumpati lyrics

Published

0 536 0

Gloc 9 - Talumpati lyrics

[Gloc-9:] Dekada nubenta nang ako'y magkagusto Sa tugtugang pinilit kong pag-aralan ng husto Tapos lahat ng utos mo ang lahat ay binuhos ko Kahit pangit ang lasa ang lahat ay inubos ko Simot lahat pati tinga dapat laging matindi ka Parang sinasabi sa kandila na sumindi ka Kahit wala kang posporo dapat laging umaapoy Kahit may takip ang inidoro ay umaamoy Ang ibig kong sabihin ay di ka dapat magpapapigil Pag ako'y nadadapa ay lalo akong nanggigigil Hindi puwedeng magpasupil ipunin bawat butil Hawakan ng mabuti kagatin ang mga pangil Ang bawat pagkakataon madulas parang sabon Buhatin kahit hindi mo alam ang laman ng kahon Puwedeng magsawala puwede kang magtagumpay Alin man sa dalawa ito'y nasa yong kamay [Chorus: Aia de Leon] Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa Tinig ko'y maririnig sisigaw ka sa madla Sumulat, gamiting tinta'y alugbati Sa aking talumpati sa aking talumpati Sa aking talumpati [Gloc-9:] Sumali sa drive-by show ni Andrew E May lumapit sa'kin na myembro ng DTG Sabi niya kilala mo ba ko sabi ko hindi Kasi magkasing nipis ang braso nya at binti All black ang damit may inabot na papel Anong pangalan ko ako po si Aristotle Nang silipin telephone number ng kanilang leader Isang sikat na rapper ang pangalan ay Beware Kinabukasan ay pumunta ako sa tindahan Nagbayad ng limang piso para aking matawagan Nag ring may sumagot ang sabi niya hello Kahit kinakabahan sumagot ako hello Ako po si Venom yong rapper kagabi Yung kausap ng kalbong maputi niyong katabi Kaya doon nagsimula kami'y naging magkaibigan At nalaman ko ang landas nang siyang dapat kong lakaran [Chorus: Aia de Leon] Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa Tinig ko'y maririnig sisigaw ka sa madla Sumulat, gamiting tinta'y alugbati Sa aking talumpati sa aking talumpati Sa aking talumpati [Gloc-9:] Makalipas ang panahon tinanong niya ako Aalis kasi siya papalit daw ako At isang rapper na hindi naman marunong mag rap Okay lang gagawa kami ng demo tape para matanggap Sa kumpanya na naglalabas din ng pelikula Ayos lang kahit nagrarap ako na nakamaskara Kahit na mukhang tanga yan ay okay lang sa akin Ang sumulat ng kanta ay siyang pangarap kong gawin Nakapaglabas ng mga album na hindi pinag-isipan Puno ng galit at umaapaw sa kayabangan Matapos na tanggalin napagisip-isip ko rin Siguro may mas maayos pa ako na pwedeng gawin Nalaman ang unang bahin na sa makapal na libro Kaya't di pa nagtatapos ang talumpati kong ito Puwede akong magsawala puwede akong magtagumpay Alin man sa dalawa ito'y nasa aking kamay [Chorus: Aia de Leon] Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa Tinig ko'y maririnig sisigaw ka sa madla Sumulat, gamiting tinta'y alugbati Sa aking talumpati sa aking talumpati Sa aking talumpati