Gloc 9 - Atik Laham lyrics

Published

0 914 0

Gloc 9 - Atik Laham lyrics

[Chorus: Wency Cornejo] Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Sasabihin ko na minamahal kita [Gloc-9:] Nahukay ang pantay na lupa Nagalisan ang mga tao Tumigil ang iyakan na di kailangan ng kabaong At mga ilaw na may sindi kahit tanghaling tapat Talulot ng mga bulaklak sa sahig kalat kalat Sinoli sa funeraria ang hiniram na bentilador Sinabing di na namin kailangan ng embalsamador Tumigil ang pagdurugo naghilom ang mga sugat Ang mga nayuping bakal ay dahan dahang naunat Walang naulat na nasawi o kahit nasaktan Lumabas sa ospital na saki'y pinagdalhan At sa loob ng sasakyan sa kalsada'y walang sagabal Ang dating mabilis na takbo ng kotse'y bumagal Alam ko ako'y galit bakit ngayon ay huminahon Pilit kong tinatandaan anong nangyari kahapon Dumating ako sa amin walang tao sa labas Nang biglang ang nakasarang pintuan ay bumukas [Chorus: Wency Cornejo] Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Sasabihin ko na minamahal kita [Gloc-9:] Pumasok sa loob ng bahay ngunit bakit ang tahimik Iba ang pakiramdam parang ako'y nananaginip Nang aking nakita kinilabutan ako'y napapikit Umiikot ang segundo sa relo ng pabalik Lumapit ang aking anak kumapit sa aking kamay At sinabi sakin buti bumalik ka itay Kawawa naman si inay nasa kwarto walang kasama Lumakad at pinuntahan ko ang aking asawa Nakalupagi sa sahig matay namumugto Hindi ko malilimutan ang mga sumunod na yugto Mga nagkabasag basag na salamin ay nabuo At umaagos na luha sa kanyang matay natuyo Bakit hindi kumikibo di naman nagbibiro Ako'y kanyang minasdan tingi'y hindi lumiliko Bigla kong naalala ang sigawan at ang tulakan Parang balong puno ng tubig lahat ay natandaan [Chorus: Wency Cornejo] Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Sasabihin ko na minamahal kita [Gloc-9:] Alas kwatro ng madaling araw ay umuwing lasing Dinadaan daanan lang kita't hindi pinapansin Hindi mo na kayang tiisin parang mata na may puwing Nang ako'y iyong tanungin aking paningin ay nag dilim Parang malapot na dura ang lumabas na salita Aking sagot sa iyong tanong ay kumikirot na pasa Ako'y lumayas tumakas maangas ang pagmumukha Na parang ahas matalas ang malas kapag tumuka Halos wala nakong buhay nang ako'y datnan sa ospital Gusto lo lang malaman mo kung pwede lang mangumpisal Paano magumpisa aminin bawat isa Pagtalikod sa pangako natin sa isa't isa Sating pag sasama ika'y aking isinantabi Ngunit sa kabila ng lahat ika'y nasaking tabi Mahirap o madali, umaga man o gabi Ang ako'y napagsilbihan hindi ka nagmamadali Alam kong lahat ng nagawa ko sa iyo'y kabaliktaran Ng tunay kong naramdaman para sa iyo nasayang lang Nais ko mang malaman mo ngunit lahat ay huli na Bago masabi ako'y nalagutan ng hininga [Chorus: Wency Cornejo] Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Sasabihin ko na minamahal kita Sasabihin ko na minamahal kita