Gloc 9 - Akin Lang Naman lyrics

Published

0 469 0

Gloc 9 - Akin Lang Naman lyrics

[Chorus:] Wag Mo kong pansinin Wag mo kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman Wag Mo kong pansinin Wag mo kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman Dedma, yan ang dapat mong gawin 'pag narinig ang bawat salita Na basa ng laway sa aking bibig Na aking dinudura sa mga pagmumukha Ilan ba ang natutuwa kapag ako ang tumula Wala naman naisip 'to lamang bigla ano kaya ? Kung isang araw ako ang siyang kumabig ng taya Sa sugal na kung tawagin na ito'y pulitika Malamang sa malamang kung di kilala lugi ka Kaya't ang mabuti pa'y ipaubaya mo na sa akin Ang indi mo nakikita, susubukan kong baguhin Isang araw lang naman ang iyong pagpapahiram Ng kapangyarihang ang nakahawak lang ay ilan Hindi tama ang magbintang, subukan nating magbilang Ilang taon ang dumaan, bakit napagiiwanan Hindi ko po kayo pinangungunahan,o dinidiktahan Dahil ang sinsabi ko ay akin lang naman Wag Mo kong pansinin Wag mo kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman Wag Mo kong pansinin Wag mo kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman Alam kong di ito madali at medyo mabigat Pero kung susumahin ang importante lang sa lhat Ay marunong kang maawa sa mga naghihirap Minsan kailangang sumagot kahit walang kausap Nang wala nang batang namamalimos at nakaapak Wala nang umiiyak dahil kinabukasa'y di tiyak Libre ang makapagaral, hustisiya'y di mabagal Ang mawalan ng pera sa ospital ay hindi sagabal [Chorus:] Wag Mo kong pansinin Wag mo kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman Wag Mo kong pansinin Wag mo kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman Kung ako ang presidente, busog ka na sa bente Ang lahat ay pantay-pantay, iskwater man o disente Lahat ay mya bubong , lahat ay may dingding Kung walang makian, di magsasangla ng singsing Dahil ang pasweldo ay tama sa mga manggagawa Sa dagdag-sahod ay di kailangang magmakaawa Mga lagay-lagay, perang tangay-tangay Kapag napatunayan , ikulong lahat sabay-sabay Kase walang mayamayaman,dapat maya-maya lang Tinuturuan ng leksyon , mga mayamayabang Mga abusado sa kagawaran ng gobyerno Nagaagawan lang sa pwesto mahawakan lang pursyento Pero, kahit suntok sa ulap, baka ika'y mamulat Kinakalawang na pinto sabay nating itulak Laging tandaan di ko po kayo dinidiktahan Dahil ang mga sinasabi ko ay akin lang naman [Chorus:] Wag Mo kong pansinin Wag mo kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman Wag Mo kong pansinin Wag mo kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman