Gloc 9 - Payag lyrics

Published

0 816 0

Gloc 9 - Payag lyrics

Laging tanong sa akin ng iba Bakit ka ba naniniwala sa kanya? Di ko alam, ganun lang talaga Kung bakit, bakit pumapayag ako Matatamis na mga salita Parang latik na di niluto sa gata Kilala mo pero ibang mukha Bakit? Bakit pumapayag ako? Halina sa lugar na kung saan masaya ang lahat ng mga kawatan At kahit di totoo ang kanyang sinasabi, lagi siyang pinakikinggan Walang pakialam sa salitang ilan, kahit gaano kamahal ang pinagbilhan At kahit na dinoktor ang lahat ng detalye, lagi siyang napagbibigyan Yan ang tanong sa akin ng iba Bakit ka ba naniniwala sa kanya? Di ko alam, ganun lang talaga Bakit? Bakit pumapayag ako? Matatamis na mga salita Parang latik na di niluto sa gata Kilala mo pero ibang mukha Bakit? Bakit pumapayag ako? Sa mga kasinungalingan mo Kahit sinabi mong ika'y magbabago Yan lang ang pinanghahawakan ko Bakit? Bakit pumapayag ako? Nasan na ang mga pangako mo? Parang bula, bigla na lang naglalaho Minsa'y parang kasalanan ko Dahil, dahil pumapayag ako Dahil pumapayag ako Oras na para gumising ka Ba't di mo subukang buksan ang iyong mga mata? Kung ayaw nilang tumalon, ba't di ka mauna? Sige, subukan mo lang na walang kakaba-kaba Kung ito ang simula ng wikas Isa-isa mong burahin ang mga bakas Bago pa matuyo ang lahat ng katas At tuluyang mabaliko ang lahat ng batas sa Pinas (sa Pinas) Ano ang iyong pananaw sa lahat ng mga nangyayari sa Mindanao? Kapit lang, kapatid, 'wag kang bibitaw Hanggang sa apat-naput-apat na beses lumitaw Ang katotohanan, wag labanan, tinabunan, ipaglaban Kaawaan ang ating bayan nang malaman natin ang sagot sa Laging tanong sa akin ng iba Bakit ka ba naniniwala sa kanya? Di ko alam, ganun lang talaga Bakit? Bakit pumapayag ako? Matatamis na mga salita Parang latik na di niluto sa gata Kilala mo pero ibang mukha Bakit? Bakit pumapayag ako? Bakit pumapayag ako? Bakit pumapayag ako?