Gloc 9 - Kung Tama Siya lyrics

Published

0 322 0

Gloc 9 - Kung Tama Siya lyrics

[Chorus: Jaq Dionisio] Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama sya Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama sya [Gloc-9:] Tinta at panulat ang ginamit Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit Nag-aral ng matuwid parang sangi saking anit ‘Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit Ng amoy nung ako’y magpasyang ituloy Ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy Kahit na sabi nila ako’y hindi pumapalag Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag Bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo’y libag Makalipas ang isang daang taon at limampu Ano ang aking namasdan ano ang aking natanto Para bang ang panahon mula noon ay huminto Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian [Chorus: Jaq Dionisio] Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama sya Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama sya [Gloc-9:] Ito ang sa tingin ko’y tama At ang syang nararapat Pero teka lang… Sa kanila’y huwag kang maawa Yan lang ang syang nararapat Pero teka lang… [Gloc-9:] Ako’y isang batang Tondo na anak ng mananahi At sa idad na katorse mga braso’y natali ‘Di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata Na ang nagaganap saking kapaligiran ay mali At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati Abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan Kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan Ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan Wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan Dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila Ibinuwis aming buhay natunaw ang kandila At nagbago nang itsura ng tinaas na bandila Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian [Chorus: Jaq Dionisio] Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama sya Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama sya [Gloc-9:] Ito ang sa tingin ko’y tama At ang syang nararapat Pero teka lang… Sa kanila’y huwag kang maawa Yan lang ang syang nararapat Pero teka lang…