Gloc 9 - Bakit Hindi lyrics

Published

0 276 0

Gloc 9 - Bakit Hindi lyrics

[Chorus: Billy Crawford] Wag mangarap ng basta simple At umasa lagi sa libre Bakit hindi? Bakit Hindi? Yan ang sabihin sa sarili Pagbutihan mo ng maigi Kamustahin kung may imposible.. Bakit Hindi? Bakit Hindi? Yan ang sabihin sa sarili [Gloc 9:] Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang Sa'yong daraanang hagdanang Mataas, madulas kahit na matumba Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan Bawat hakbang, tawirin mo man dagat, Sabayan hanging habagat Baga't apoy Bawat patak ng dugo'y Di mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa Walang trabaho, mawalang makain, bubungan na tinangay ng hangin Humahaba na ang listahan sa tindahan at sakitin pa Ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan Kapag hindi ka na bumangon, dito ka pa lang magiging talunan Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha Kung hindi ka susuko, hinding hindi ka huhupa [Chorus: Billy Crawford] Wag mangarap ng basta simple At umasa lagi sa libre Bakit hindi? Bakit Hindi? Yan ang sabihin sa sarili Pagbutihan mo ng maigi Kamustahin kung may imposible.. Bakit Hindi? Bakit Hindi? Yan ang sabihin sa sarili [Gloc 9:] (Bakit? Bakit? Bakit?) Bakit? Bakit gumigising? Bakit? Bakit dumidilat? (dilat) Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat (buhat) Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat Hinda nang sumagupa sa lahat ganon kakunat Ang balat, namalat sa lakas ng sigaw Iangat, kumagat, lunukin ng hilaw Higpitan mo lang ang hawak wag na wag kang bibitaw Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan Kahit tuyo na ang halaman sadtyagain mong diligan Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Binan Lahat ng yong naaabot ay pilitin mong higitan Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan Kung hindi mo nagawa, wag mo na muling tignan Marami pang pagkakataon ang nasa yong harapan [Chorus: Billy Crawford] Wag mangarap ng basta simple At umasa lagi sa libre (sa libre) Bakit hindi? Bakit Hindi? Yan ang sabihin sa sarili (yan ang sabihin) Pagbutihan mo ng maigi ( pagbutihan pa) Kamustahin kung may imposible.. (oh-oh-oh) Bakit Hindi? Bakit Hindi? Yan ang sabihin sa sarili (Yan ang sabihin sa sarili ) Bakit Hindi? Bakit Hindi? Yan ang sabihin sa sarili Bakit Hindi? Bakit Hindi? Yan ang sabihin sa sarili (Yan ang sabihin sa sarili)