Gloc 9 - Tinta lyrics

Published

0 351 0

Gloc 9 - Tinta lyrics

Pwedeng asul pwedeng itim pwedeng pula pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila. sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta. Ahh ahh ahh ahh ahh Ahh ahh ahh ahh ahh Nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat habang ako'y tinuturuan ni nanay habang sya'y naglalaba ng damit sa poso paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga, laetra na parang petsa sa kalendaryo, magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks at dyayryo ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo at hindi imbento na parang gamot ng albularyo. Nag-aral isa dalawa tatlong baytang sa elementarya natapos sa ika- anim ngunit walang medalyang nakasabit sa aking leed, kundi sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos mamasada. lumipas ang mga taong sinubukang lumikha mga salitang magkatugma na ang tawag ay tulam ngunit may nagsabi sa akin cris pagnaron ka na, sabihin mo saakin kung paano mo ginamit ang tinta. Pwedeng asul pwedeng itim pwedeng pula pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila. sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta. Ahh ahh ahh ahh ahh Ahh ahh ahh ahh ahh Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo, papasok ka sa eskwela, manghihingi ka ng baon, kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat ng isang makatang laging titingalain ng lahat ang mga awit ay sasambitin, awit mo'y kakantahin ng lahat ng batang tulad mo'y may pangarap rin. Ngunit ngayo'y nagisisimula ka pa lang di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay at walang makakapigil, kahit minsan ay parang wala ka ngang maayos na lupang pwede mong lakaran ngunit pagdating ng aray at naron ka na sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta. Owedeng asul pwedeng itim pwedeng pula pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila. sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta. Ahh ahh ahh ahh ahh Ahh ahh ahh ahh ahh