[Quest:] Ohhhhh…. Sino ang maton may pusong ‘di mamon Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon Ako'y isang maton at tila kamagong Ang aking pagkalalaki kahit sino'ng magtanong Dahil ako'y siga, ‘di mahina Ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan Papalag ng matigas Ako'y siga, ‘di mahina Ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan Walang inuurungan [Gloc 9:] Tato sa balat, bali itong kagat Pag ako'y lumapag ay tiklupan lahat Kay bilis kumaripas walang kaparehas Kasing tigas ng braso ko ang malamig na rehas Ako lang ang may kalyo, may kalyong parang bato Sa dami ng sinapak ang lahat ay pinakaba ko Parang yelo sa bulok na ngipin nakakangilo Pag tinamaan ka sa panga sigurado kang hilo Ano ba talaga? (ano ba talaga?) Ang tunay na kahulugan (ang tunay na kahulugan) Ang katagang siga (siga, siga) Subukan nating kalagan Laging kinakatakutan Sakit sa katawan pag ika'y inabutan Walang makapalag kahit na may binatukan Balde ng kamao ika'y pinapaliguan [Quest:] Ako'y siga, ‘di mahina Ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan Papalag ng matigas Ako'y siga, ‘di mahina Ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan Walang inuurungan [Gloc 9:] Sa panahon ngayon, iba na nilalaman pahina Basahin mo, lumapit ka, ‘wag kang bibitaw, kumapit ka Tawagin mong sinungaling parang kabaluktutan na pinilit maibaling Upang maging deretso, baguhin ang palaging Gamit na panindak kahit walang pahapahaging Dahil kung minsan ay hindi lamang puro tigas Pakuluin ng lumambot ang butil ng bigas Sa bawat hibla ng palay, tatahakin ang tama kahit na maputik at madulas Sino ba ang duwag at basag ang mukha, hindi sumalag ngunit sa gapos ng buhay, pumiglas kinalas Pagkain para sa pamilya, sa hapag nilapag Yan ang siga [Quest:] Sino ang maton, may pusong ‘di mamon Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon Ako'y isang maton at tila kamagong Ang aking pagkalalaki kahit sino'ng magtanong Dahil ako'y siga, ‘di mahina Ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan Papalag ng matigas Ako'y siga, ‘di mahina Ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan Walang inuurungan [Gloc 9:] Kahit ano mang gamit ‘Di mo kayang durugin ‘to Ooh whoa oh oh oh oh oh Kahit ano mang galit ‘Di mo kayang takutin ‘to Kahit takutin sunugin Ang tapang na dala'y [Quest:] Matapang pagdating sa kapakanan ng iba Maangas kapag kaharap ang hamon ng iba ‘Di pasisindak sa takot at kaba Gabi-gabi digmaan ng kanyang mga tato Kahit bugbog sarado hindi magpapatalo Kapag pinabagsak agad-agad bumabangon Ipakita ang tikas, ilabas ang gilas Itaas ang bandila ng makabagong siga [Quest:] Ako'y siga, ‘di mahina Ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan Papalag ng matigas Ako'y siga, ‘di mahina Ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan Walang inuurungan Ako'y siga, ‘di mahina Ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan Papalag ng matigas Ako'y siga, ‘di mahina Pag tumawag sa taas Kahit sa anong bakbakan Walang inuurungan