Gloc 9 - Isang Araw lyrics

Published

0 150 0

Gloc 9 - Isang Araw lyrics

Biyernes ng umaga Paggising ko pasok sa 'skwela Nalilito, may exam ngayon Napipikon, 'di ko malaman kung sa'n ako lilingon Para makakuha ng sagot Kapag bumagsak, ako'y malalagot Kay Ermat, Erpat, sipa, tadyak Ilabas ang kodiko, baka makalusot Sa teacher kong apat ang mata Nakasalaming kasing kapal ng tabla Palakad-lakad, lapad lapad Buti na lamang ako nama'y nakapasa Kung hindi mapipilitan nanaman akong ulitin ang lahat ng mga pangyayare Katulad ng minsan ako ay nag biyahe At nakilala tong malupit na babae Sa may QC pangalan ay Debbie Nag-aabang sya ng taxi Tinitigan ko sya ng mata sa mata Sinabi kong you look lonely Do you wanna go somewhere, plak! Nagka-bituin ang aking paningin Bumakat ang kanyang kamay sa 'king mukha Pagkatapos akong sampalin Pero ngumiti s'ya May kinuha sa bag at sinabing pwede ko daw ba syang matawagan Kaya binigay nyang kanyang calling card sa 'kin Na animo'y parang humahalik sa hangin Kaso lang, napagkamakalan kong calling card nya na ticket ng bus Naitapon kong kasama ng isang baso ng juice Sinubukan kong hanapin don sa may Sta. Cruz At baka sakali na ang landas namin ay mag krus Kaya pumasok ako sa isang eskinita At tinanong ang kauna-unahan na nakita Dahil baka sakaling kanyang nakikilala Ang babaeng animo sa 'kin ay isang diwata Manong, nakikilala n'yo pa ba sino ba 'yon Ano nga bang pangalan nya, teka, Girlie ba 'yon Oo, kanina pa naghihintay sa 'yo doon Lapitan mo, hayon nakaupo sa may balon Eto ba sya, bakit parang hindi yata ito Maganda sya kaya sige, napasubo ako Teka lang, teka muna, ako'y litung-lito Nangyayari lang 'to sa mga guni-guni ko Na para bang nagmamaneho ng isang bagung-bagong auto Marami nang pera, nan*lo pa sa lotto Walang kumakalaban at lahat bumibilib Hindi naghihintay, hindi naiinip Teka lang, mabalik tayo sa kabilang kwento ko Habang naglalakad ay nakasalubong ako ng hip hop na metal Punkistang bungal, natapilok kaya na-shoot sa kan*l Tinulungan ko, kawawa naman kasi 'Di na nya makita limang pisong pambili Ng suka na gagamitin ng kanyang inay Para may sawsawan ang kanyang masibang itay Salamat ha, ang bait mo pala 'Pag dating sa kanila Ako lang ang 'di pinakilala sa kapatid nyang si Girlie At sa pinsang si Debbie Gulung-gulo at ako ay hindi mapakali Para bang ang lahat ng mata'y sa 'kin nakatingin At hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin Kasi ba naman parang walang malabong nangyari Sa 'min nitong mga kaharap kong pan*long babae