Geneva Cruz - Anak Ng Pasig lyrics

Anak Ng Pasig lyrics

Published

0 1540 0

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig Nagisnan ang ilog na itim ang tubig Lumaking paligid ang bundok na umuusok Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok Ito ang buhay ng anak ng Pasig Pa-swimming swimming sa itim na tubig Playground lang ang bundok ng basura niyo Musika'y ugong ng kotse at bangka niyo Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang Ilog ko Anak ng Pasig naman kayo Tapon doon, tapon dito Di niyo alam ang tinatapon niyo Ay bukas ko at ng buong mundo Akala ko'y ganoon talaga ang mundo Hanggang makakita ako ng lumang litrato Di maniwalang Pasig rin ang tinitingnan ko Kaibigan ano ang nangyari dito Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang Ilog ko Anak ng Pasig naman kayo Tapon doon, tapon dito Di niyo alam ang tinatapon niyo Ay bukas ko at ng buong mundo Huli na ba ang lahat Patay na ba ang ilog at dagat Kapag pasig ay pinabayaan Parang bukas ang tinalikuran Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang Ilog ko Anak ng Pasig naman kayo Tapon doon, tapon dito Di niyo alam ang tinatapon niyo Ay bukas ko at ng buong mundo Anak ng Pasig naman kayo May bukas pa ang ating mundo.

You need to sign in for commenting.
No comments yet.