Gary Granada - Kahit Konti lyrics

Published

0 374 0

Gary Granada - Kahit Konti lyrics

Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti Hatihati dahil masyadong masikip ang upuan At kung iyong kausapin, ako nama'y hindi maselan At payag matabihan, umusog lang, umusog ng konti Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti Madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan Sakali mang mayron kang napapansin, sabihin lang At kung makatuwiran ako'y uusog din kahit konti Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo Ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo Iba't iba ang katuwiran ng tao sa lipunan Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag magtulakan O kayraming suliranin, oras-oras dumarating Dahil di kayang lutasin hindi na rin pinapansin Subalit kung tutuusin, iisa ang dahilan Kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti Hindi naman buong-buo... O kayraming suliranin... At kung iyong kausapin, ang kadalasang dahilan Kaibigan, ayaw n'yo lang umusog ng kahit konti