Francis M. - Ito Ang Gusto Ko lyrics

Published

0 725 0

Francis M. - Ito Ang Gusto Ko lyrics

[Verse 1] Mabuhay nang maayos at lubos Magbigay sa kapwa, magmahal ng taos Gusto kong tikman ang sarap ng buhay Hawakan ang bukas sa 'king mga kamay Makita (alin ?), makita (alin ?) Makita ang liwanag sa gitna ng dilim Ayoko sa dilim nagdidilim ang paningin Ang kalayaang inaasam ay ibigay mo na sa akin Mabuhay (ng tunay) makulay (ang buhay) Ang luha'y ialay sa mga buhay na hinalay Ang buhay natin 'di kayang hamakin Ipagtanggol ang karapatan natin [Chorus 1:] Katarungan - ito ang gusto ko! Kalayaan - ito ang gusto ko! Kapayapaan - ito ang gusto ko! Karapatang-pantao - ito ang gusto ko! Kalikasan - ito ang gusto ko Kabataan - ito ang gusto ko! Kaibigan - ito ang gusto ko! Sa buhay kong ito - ito ang gusto ko! [Verse 2] Gusto kong lasapin ang tamis ng panahon Maniwalang mahigitan ko pa ang kahapon Ayokong mawalan ng pag-asa Gusto ko nga masasayang alaala Sama-sama, sari-sari, sabay-sabay Mapaitaas o mapailalim Ang tao ay natitibo pag tumakbo ng matulin Relax ka lang at 'wag kumilos ng madalos Kumilos ng maayos at umiwas sa galos Iisa lamang ang ating katauhan Bigyang kahulugan ang kasalukuyan [Chorus 2] Karangalan - ito ang gusto ko! Kalusugan - ito ang gusto ko! Kabutihan - ito ang gusto ko! Sa buhay kong ito - ito ang gusto ko! Kagitingan - ito ang gusto ko! Kasipagan - ito ang gusto ko! Kapatiran - ito ang gusto ko! Sa buhay kong ito - ito ang gusto ko Yeah ! (Scratch) "Bring the noise!" Yeah yeah... woh hoh... Yeah yeah... woh hoh... Yeah yeah... woh hoh... Yeah yeah... woh hoh... [Repeat Chorus 1] [Chorus 3] Karangalan - ito ang gusto ko! Kalusugan - ito ang gusto ko! Kabutihan - ito ang gusto ko! Sa buhay kong ito - ito ang gusto ko! [Repeat Chorus 1]