Fkas - Ala-ala lyrics

Featuring , ,

Published

0 294 0

Fkas - Ala-ala lyrics

Naaalala mo pa ba? Pag magkasama tayong dalawa Laging naglalambingan naghahampasan ng unan Ngunit bakit biglang nag iba 'Yun pala meron ka nang iba Salamat sa pagtatalo na laging ikaw ang pan*lo Salamat sa damo at sa pulang kabayo Pero, hindi na ko umaasang babalik ka pa Ha Nung tayo'y nagsasama Palagi tayong masaya Ikaw lang gustong makasama Hanggang tayo ay tumanda Ang ating mga problema Ay hindi nadarama Ay hindi nadarama Pag magkasama tayong dalawa Naalala mo pa ba? Mga kulitan, at asaran, harutan tampuhan kung minsan ay pikunan, takbuhan, batuhan hampasan ng unan, tawanan, kantahan Iyakan sa daanan. Naalala mo pa ba? Mga pangako sa isa't isa Sumpaan nating dalawa Tanging ikaw lang at ako Hindi na magkakalayo Sabay pa nating tatapusin ang kolehiyo Naalala mo pa ba? Sabi mo di magsasawa Ako na ang lalaking nais mong mapangasawa Makatabi sa kama Hanggang sa mag umaga Ngunit pano na, ayaw mo na, sawa ka na Anong magagawa di ba? Wala, kasi meron ka nang iba Kahit piliting kausapin ka walang mapapala Dahil masaya ka na sa piling ng iba Kaya, pipilitin ko nalang din na maging masaya Nung tayo'y nagsasama Palagi tayong masaya Ikaw lang gustong makasama Hanggang tayo ay tumanda Ang ating mga problema Ay hindi nadarama Ay hindi nadarama Andito sana tayong dalawa Wala na yung ikaw, wala na rin yung tayo Wala na rin yung babaeng kasama sa kwarto Salamat sa iyo dahil ako'y iyong binago Sanay na din ako na mag-isa nalang sa kwarto At bigla kong naalala kapag tayo'y nagtatalo Ikaw na yung mali pero ako pa din yung talo Pero di ba wala kang nadinig saking reklamo? Salamat sa damo pati sa pulang kabayo Sila kasi kasama ko nung wala na tayo Sila rin dahilan, kung,ba't masaya na ko Kaya larawan natin itinapon Para makalimutan ko ang masayang kahapon Na magkasama tayong dalawa, limot ko na Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa Kaya tinulungan ang sarili maging masaya Dahil wala ka na sa piling ko Alam mo ba? Nung tayo'y nagsasama Palagi tayong masaya Ikaw lang gustong makasama Hanggang tayo ay tumanda Ang ating mga problema Ay hindi nadarama Ay hindi nadarama Pag magkasama tayong dalawa Ikaw lang ang gustong makasama Binuong mga pangarap nawawala na Sugat ng kahapon akin pang nadadama Naalala yung bawat sandaling kasama ka Larawan mong nagkupas na sa luma Minahal kita alam mo yan di ba? Kaya nais kong humingi ng tawad Sa nagawa, mali ako, di ko yon pwedeng ikaila Ano pa ba? Pasensiya na. Ha, Di na hiniling bumalik ka pa Nung tayo'y nagsasama Palagi tayong masaya Ikaw lang gustong makasama Hanggang tayo ay tumanda Ang ating mga problema Ay hindi nadarama Ay hindi nadarama Pag magkasama tayong dalawa