Ex Battalion - Superhero Mo lyrics

Published

0 1481 0

Ex Battalion - Superhero Mo lyrics

[Chorus] Handa kong ibigay lahat ng yaman sa mundo Handa akong makipaglaban para lang sa'yong gusto Handa ako na sumugal Handang mamatay para sa'yo kung kailangan Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban Handa kong ibigay lahat ng yaman sa mundo Handa akong makipaglaban para lang sa'yong gusto Handa ako na sumugal Handang mamatay para sa'yo kung kailangan Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban [Verse 1] 'Wag kang matakot, ako ay nandirito At pag-ibig ang babalot sa atin At hindi ko papabayaan na masaktan at masugatan ka Pisikal o sa pakiramdam man Dahil ako ang superhero mo Dapat sa akin ay hindi ka sana maghinala Ako na ang bahala, sa 'kin ka humawak 'Wag kang mabahala, lahat ay makakaya Basta para sa 'yo, handa akong lumaban Ikaw lang at ako, lalaban sa buong mundo Basta't tayo ay magkasama hanggang dulo [Chorus] Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo Handa akong makipaglaban para lang sa 'yong gusto Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa 'yo kung kailangan Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban [Verse 2] Ako ay laging nakatingin Nakamasid palagi sa'n ka man makarating 'Di mo lang pansin, binabantayan kita nang palihim Para sa tuwing mapapahamak, kaya kang sagipin Ako'y nandito para sa 'yo, lahat gagawin ko Pipilitin ibigay anumang hilingin mo 'Di ako nandito para magpaka-weirdo 'Di mo lang alam, handa 'kong magpaka-hero Ako'ng haharang, 'wag ka lang mahirapan Ako ang sasalo ng mga bubog sa daanan Para lamang 'di masugatan ang 'yong talampakan Aalagaan ka kahit wala kang karamdaman (Kung kailangan) Dahil para sa 'kin, ganyan ka kahalaga Kaya (kung kailangan) Gagawin ko ang lahat kahit ako'y mapasama [Chorus] Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo Handa akong makipaglaban para lang sa 'yong gusto Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa 'yo kung kailangan Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban [Verse 3] Saan man, handa kitang samahan Tawagin lang ako 'pag may kailangan Ikaw ang lakas at kahinaan Kaya hinding-hindi pababayaan Nasaan ka man, mapupuntahan Sa panganib man na mayro'ng hadlang, 'di aatrasan Lagi lang nasa 'yong likuran, masasandalan Nakahanda kang paglingkuran at gagabayan Dahil walang katumbas sa 'kin ang katulad mo Lagi kang iingatan saan mang sulok ng mundo Palagi mong isipin na nandito lang ako Handa kang ipaglaban kahit na ikapahamak ko para sa 'yo Kasi ikaw ang naging dahilan, ikaw ang dahilan Kung ba't may pinaghuhugutan at pinagkukunan Ng lakas ng loob, tatag ng paninindigan Na kahit anong mangyari, magsisilbi mong sandigan Tigapagligtas mo ako Anumang oras kailanganin mo ay heto Wala nang pwede pang ibang makakapanakit sa 'yo Isang tawag mo lang, nand'yan agad ako, asahan mo Prinsesa ka para sa 'kin Ako'y aliping superhero na magiting Ako din ang magiging kakampi sa lahat, mananatiling Nakasunod, nakamasid sa 'yo, saan ka man makarating [Chorus] Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo Handa akong makipaglaban para lang sa 'yong gusto Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa 'yo kung kailangan (oh) Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban [Verse 4] Basta tawagin mo lang ang pangalan ko (ko) Tawagin mo ako kapag kailangan mo (mo) Sa oras na masama ang kalagayan mo Parating na ako, 'wag kang tatakbo (whoo) Nandito lang ako habang nand'yan ka 'Di kasi ako papayag masaktan ka Kung pwede lang na araw-araw bantayan ka Para kung aalis ka man ay masamahan ka (yeah) Sa lakad mo, 'wag ka na ngang mangamba (whoo) Nandito lang ako, ikaw ay kumalma (whoo) Kasama mo ako, 'wag kang mataranta (whoo) Yayakapin kita kapag kinakabahan ka (oh) Hindi ko hahayaang mapahamak ka (yeah-yeah) Anumang mangyari ay ipaglalaban kita, whoo [Chorus] Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo Handa akong makipaglaban para lang sa 'yong gusto (ipaglalaban kita, whoo) Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa 'yo kung kailangan (baby, yeah) Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo Handa akong makipaglaban para lang sa 'yong gusto Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa 'yo kung kailangan (yeah, yeah) Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban (hey) Ooh- Yeah