Eraserheads - Tindahan Ni Aling Nena lyrics

Published

0 327 0

Eraserheads - Tindahan Ni Aling Nena lyrics

Isang araw... Punta ako sa tindahan ni Aling Nena Para bumili ng suka Pagbayad ko aking nakita isang dalagang Nakadungaw sa bintana Natulala ako, laglag ang puso ko Nalaglag rin ang sukang hawak ko Napasigaw si Aling Nena Ako naman ay parang nakuryenteng pusa Ngunit natanggal ang hiya nang Nakita ko na nakatawa ang dalaga Panay ang sori ko, sa pagmamadali Nakalimutan pa ang sukli ko Pagdating sa bahay, nagalit si nanay Pero oks lang, ako ay in-lab nang tunay. Chorus: Tindahan ni Aling Nena Parang isang kuwentong pampelikula Mura na at sari-sari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera. Pumunta ako sa tindahan kinabukasan Para makipagkilala Ngunit sabi ni Aling Nena Habang maaga'y huwag na raw akong umasa Anak niya'y aalis na, papuntang Canada Tatlong araw na lang ay babay na. (Repeat Chorus) Hindi mapigil ang damdamin Ako'y nagmakaawang ipakilala Payag daw siya kung araw-araw Ay meron akong binibili sa tinda niya. Ako'y pumayag at pinakilala niya Sa kanyang kaisa-isang dalaga Ngunit nang makilala, siya'y tumalikod na At iniwan akong nakatanga. (Repeat Chorus) Chorus 2: Tindahan ni Aling Nena Dito nauubos ang aking pera Araw-araw ay naghihintay O Aling Nena, plis naman, maawa ka Alam ninyo'ng nangyari? Finale: Wala... Wala... Ahh... O Diyos ko! Wala... Wala... Ahh...