Equilibrio - Ang Pagsintang Ito lyrics

Published

0 281 0

Equilibrio - Ang Pagsintang Ito lyrics

Pawiin ang agam-agam sa iyong isipan. Hwag padala sa alon ng alinlangan. Habang may karagatan, maasahan mo ang pagsintang ito. Pahirin ang dalamhati sa iyong pisngi. Hwag patangay sa lumbay ng hating-gabi. Habang may bituin at buwan, hindi magbabago ang pagsintang ito. Marami nang taon ang lumipas. Ang aking pagsinta hindi kumukupas. Kasing tingkad pa rin ng dati malayo man ako sa iyong tabi. Hwag sanang mag-alala pa at mangamba. Hwag pasaklaw sa panglaw ng pag-iisa. Habang may sumisilang na araw, sa iyo ang pagsintang ito.