Ebe Dancel - Bawa't Daan lyrics

Published

0 21520 0

Ebe Dancel - Bawa't Daan lyrics

Sa pagkumpas ng 'yong kamay Ang aking landas, ginagabay Nag-iisang tiyak sa isang libong duda Silong sa iyak, at pagluluksa Kung puso ko ay imamapa Ikaw ang dulo, gitna't simula Nahanap din kita (kay tagal kong naghintay) Nahanap kita At maligaw man at mawala Umikot man sa kawalan Sa bawat kailan, sino't saan Ikaw lamang ang kasagutan Bawat kanan at kaliwa Kanluran man o hilaga Ang bawat daan ko ay patungo Pabalik sa 'yo Kay tagal nang lumulutang Walang pupuntahan walang dahilan Parang ulap na walang dalang ulan Kamang walang kumot at unan Bihag ako ng pagtataka May saysay ba ang paglalakbay Ngunit nahanap din kita Nahanap kita At maligaw man at mawala Umikot man sa kawalan Sa bawat kailan, sino't saan Ikaw lamang ang kasagutan Bawat kanan at kaliwa Kanluran man o hilaga Ang bawat daan ko ay patungo Pabalik sa 'yo Kay tagal kong naghintay Kung ang puso ko ay imamapa Ikaw ang dulo, ang gitna't simula Kay tagal kong naghintay Ikaw (ikaw) Ikaw (ikaw)