Donna Cruz - Kadenang Bulaklak lyrics

Published

0 223 0

Donna Cruz - Kadenang Bulaklak lyrics

Ang wikang ginagamit ng mga puso Natututunan kahit di ituro Sa ating buhay, darating ang sandaling Puso'y tatawagin Upang kanyang pag-aralan Ang wikang gagamitin Puno raw ng kahirapan landas na daraanan Subalit wala raw katumbas ang kasiyahang matitikman Sa sandaling na'yong mabatid Puso mo pala ang narinig Na nangungusap mula sa iyong dibdib Ano ang ginagamit na wika sa langit? Bawat salita kaya doon ay inaawit Kahit marami ka pang di nalalaman Asahan mong doon mayroon kang tahanan Kapag dumami na sa lupa Pusong marunong mangusap Sa likod ng bawat ulap May anghel na papalakpak Malapit nang mabuo Kadenang bulaklak Kapag dumami na sa lupa Pusong marunong mangusap Sa likod ng bawat ulap May anghel na papalakpak Maaari na muling sabitan Ng kadenang bulaklak itong daigdig Upang kanyang kagandaha'y magbalik Upang kanyang kagandaha'y magbalik...