Dessa - Lipad Ng Pangarap lyrics

Published

0 10279 0

Dessa - Lipad Ng Pangarap lyrics

Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo Ang pangako ng walang hanggang bukas Pabaon man sayoy hapdi ng puso Aabutin na ang pangarap.. At ang bunga ng wagas mong pagsisikap Pag-unlad nitong bayang nililiyag Kapalit ng dalamhati’t paghihirap Pag-angat ng kabuhayang marilag.. Liparin mo ang hangganan ng langit Sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi Pangarap ng inang bayang tinatangi. (Pabaon man sayoy hapdi ng puso Aabutin ang pangarap) Tutularan ka ng sunod na salin-lahi Kapuri-puring pag-aalay ng lakas Nagpupugay sa makabagong bayani Ang buong bansa’y nagpapasalamat Liparin mo ang hangganan ng langit Sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi Pangarap ng inang bayang tinatangi.. Ingatan mo ang lipad ng pangarap Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay Kam’tin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay… Ang tamis na dulot ng iyong…tagumpay Ang tamis na dulot ng Iyong tagumpay…