Denise Barbacena - Dapat Tama lyrics

Published

0 397 0

Denise Barbacena - Dapat Tama lyrics

[Chorus:] Dahil sa dulo bawal ang kakamot-kamot Sa katanungang harap-harapang iaabot Sinong pinili 'pag ang tinta ay humalik Sa daliri ng siyang ginamit at nagturo nawala ay maibalik, dapat tama! Alam natin ang tama ba’t 'di natin ginagawa Paulit-ulit nalang na ito ang bago nagsimula Simula nang simula bakit walang natatapos Atras abante lagi pudpod nang swelas ng sapatos Ilang beses nangako ilang beses napako Ba't 'di natin subukan na tulungan at umako Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan 'Pag tayo’y nagsama-sama lahat ay malalampasan May mas maayos na bukas para sa’ting mga anak Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak Na pangalan sa balota ‘wag na tayong magpauto Na sa‘tin ang kapangyarihan ‘pag tayo ang kumibo Nanggigigil mong itigil ang pagsisi sa sutil Na nasa pwestong 'di ka na kilala kapag siningil Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal kung 'di tayo kombinsido wag na nating ihalal [Chorus] Sa isip at sa salita, dapat tama lalong-lalo na sa gawa, dapat tama Sama-sama nating itama ang mali Nang ang bayan nati’y makabangon muli, dapat tama [2x] Itama natin ang gabay huwag na tayong magreklamo Itaas ang kamay ng gusto ang pag-asenso Balikat na magkaakbay hinding hindi tayo susuko Malalakas na boses sabay-sabay mangako! [2x] Kung walang nagpapaloko wala nang manloloko Ang mga botanteng Pilipino ay 'di mga bobo Lumiyab 'pag madilim ituwid ang tiwali Hindi ganon kasimple 'to 'di kailangang magmadali Ang tiwalang inagaw sa taong maneng-mane Kahit saan nating pilitn na tingna'y maling-mali Umahon sa kahirapan at lumangoy sa kumunoy Kahit ano pang iharang ay tumuloy nang tumuloy Pagdating ng eleksyon, ito ang dapat na panata Isulat kung sino ang talagang sa tingin mo'y tama At sa araw na napakabihira lang dumaan Dapat sa may katuturan Huwag kang mag-aalangan na hawakan ang lubid na siyang nagsisilbing tulay Gisingin natin ang tulog tuluy-tuloy na mag-ingay Nang malaman ng lahat sumigaw sabay-sabay [Chorus]