Dello - Positibo lyrics

Published

0 524 0

Dello - Positibo lyrics

Intro: Chorus Hindi lahat ng bagay ay mali (3x) PO-SI-TI-BO Hindi lahat ng bagay ay mali (3x) PO-SI-TI-BO Verse 1: Isang papel na sinulatan ng kanta Mga akdang pinagpuyatan na katha Namamangha habang ako'y namamangka Gamit ang mga paksa na nakikita sa bansa Kailangan lang na matignan ng positibo Iba ang masipag kumpara sa pursigido Habang isinasalin ko sa baso ang mohito Iniisip ko kung ano nga bang papel ko rito, Isang manunulat... Pero ang buhay ko biglang nagbago lahat May panahong ako'y ginagato na at Pinagtitripan noon pero ngayon muli akong aangat Salamat sa mga kumontra, ngayon halika Ika'y kabilang ba noong sa mga kontrabida? Salamat kritiko kahit alam ko na mali ka Kasi lahat kayo, Positibo kong nakita Chorus: Hindi lahat ng bagay ay mali (3x) PO-SI-TI-BO Hindi lahat ng bagay ay mali (3x) PO-SI-TI-BO Verse 2: Pasensya na kung di kita pinapatulan Sa mga awit mo na iyong hinahaluan Ng pangit na tunong dapat inilulubog At positibong mga bagay lamang ang pinapalutang Positive na kumayod kung ikaw ay jobless Para di ka puro satsat at di ka tackles Positive vibes good luck at tsaka godbless Maging positibo ka wag lang drug test Chill lang para ang buhay mo'y banayad Hindi naman lahat ay naidadaan sa bayad Kapag mabunga ang puno ikaw ay naha-high blood Kaya binabato na parang angry birds sa ipod Habang ako'y naka-upo lang, cool lang Iniisip kung pano mapupunan ang kulang Akala mo babagsak ako, Mali ka Kasi mga pagsubok positibo kong nakita Chorus: Hindi lahat ng bagay ay mali (3x) PO-SI-TI-BO Hindi lahat ng bagay ay mali (3x) PO-SI-TI-BO Verse 3: Tunay na makulat ang bawat talambuhay Pero minsan lakas tama ng parang talampunay Kahit ang isang paa, Nakaapak ka na sa hukay Sa pagmamani obra nung obra dapat mahusay At kung sakaling madapa may galos sa balat At kung sakaling mangapa nahalo sa lahat Nang malapitan mo ay puro bangang pabalat Tandaan mo ang pinoy ay may dugo ng alamat Basta tama ang galawan, Isipin mo ang tama Wag kang magmukmok sa kwarto, Silipin ang bintana Bawat araw ay hatid sayo'ng panibagong umaga Kahit na merong unos dapat parin tayong tumawa Ano mang ang kaganapan, ano man ang balita Ang lahat ng negatibo, alisin mo yan sa diwa Ituwin ang pagkakataon na nagkamali ka Para ang iyong buhay positibo mong makita Outro: Chorus2x Hindi lahat ng bagay ay mali (3x) PO-SI-TI-BO Hindi lahat ng bagay ay mali (3x) PO-SI-TI-BO