Dello - Araw-araw lyrics

Published

0 1627 0

Dello - Araw-araw lyrics

Lunes ng umaga papuntang opisina Habang nabibingi sa ingay ng mga busina Sa gitna ng kalye, habang bumibiyahe, Sakto lang ang pera pangkain at pamasahe Tipikal na buhay ng pinoy araw-araw, Kailangan ko itong gawin, di pwedeng ayaw-ayaw Dahil ang bulsa ko ay di pa napapaapaw Sana kahit paano, ako ay makahataw Pursigido'ng umangat, inuunti-unti ko Matipid na iniipon, ultimo sukli ko Bilad na nga sa araw ang pagka-kayumanggi ko, Balat kakulay na ng tuhod ko saka ng siko Pero tuloy sa paglayag, tuloy sa pagsawan, Para ang bulsa saka ang aking tiyan ay malagyan Kahit na ang aking sweldo parang mens lang Tatlong araw lang tinatagal nito kada buwan Tatlong araw lang pala ako nagging maligaya Chorus 1 Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi. Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli? Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi. Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli? Pambayad ko sa upa, tubig at kuryente, Sa ngayon tuyo na lang mabibili nung bente Pagkasyahin kung pwede o meron natira I-sigang ko yung tuyo, para medyo maiba Ang pambayad ng matrikula dapat itabi ko na, Sa ganitong estado na mahirap i-manipula. Bawal ba magpahinga? Dapat na gawin ko na Pumasok kahit petsa Sa kalendaryong maging pula Kase ay double pay, ganun pag holiday Kayod kahit mamuti buhok na parang anime Isipin ang ngayon, yung bukas ay saka na, Kung bukas ay lagas, o baka maging sagana kaya sana Medyo mag-iba ang kapalaran Mapanatag ang lubak sa daa'ng nilalakaran Ang buhay ko ay parang libro lamang na sa bawat pahina, Paulit-ulit ang mga larawan Chorus 1 Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi. Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli? Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi. Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli? Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa, Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala Bisyo ko na yata ang palagi'ng humiling Mula pagsikat g umaga, hanggang sa dumilim Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa, Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala Bisyo ko na yata ang palagi'ng humiling Mula pagsikat g umaga, hanggang sa dumilim Pero pagsapit ng gabi, lumiliwanag nang muli Basta ikaw ang katabi nasisilayan ang ngiti Inaalis mo ang lungkot, ang pagod ko at pighati Pinawi mo ng kay dali kaya... Chorus 2 Araw-araw, paulit-ulit, ngayon wala na ko'ng paki. Bawat -araw, sinusulit, basta ikaw ang katabi. Araw-araw, paulit-ulit, ngayon wala na ko'ng paki. Bawat -araw, sinusulit, basta ikaw ang katabi. Araw-araw, paulit-ulit, ngayon wala na ko'ng paki. Bawat -araw, sinusulit, basta ikaw ang katabi.