Davey Langit - Wedding Song lyrics

Published

0 20246 0

Davey Langit - Wedding Song lyrics

Ito ang araw na inantay mo ng kay tagal Buhat nung ikaw ay natutong magmahal Nasaktan at nabigo, lumuha at natuto Ang pagibig nga pala'y hindi isang laro Sa milyon-milyon na tao dito sa mundo Ay may nagiisang nakalaan para sa'yo Siya rin ang dahilan ba't mga dating sininta Ay di ipinagkaloob sa'yo ng tadhana [Refrain] Saksi ngayon ating mga pamilya't kaibigan Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan Dahan-dahan kang naglalakad patungo sa'kin Sa saliw nitong tugtuging... [Chorus] Tan-ta-na-nan, Tan-ta-na-nan Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan Tan-ta-na-nan, Tan-ta-na-nan Aking makakasama sa magpakailanman Ang pagibig na hinanap ko ng kay tagal Nahanap din kita, bigay sa'kin ng Diyos na lumikha Di mailalarawan ng kahit anong salita Wala ngang sino man ang papantay sa iyong ganda Napapailing na lang ba't mo ako nagustuhan Piniling makasama oh ang swerte ko naman Kaya pangako ko mula sa araw na ito Sa bawat pagidlip at sa bawat gising mo Ay sisikapin ko'ng kailan ma'y di magwawakas Ang ngiti't ligaya ng iyong mga bukas [Refrain] Saksi ngayon ating mga pamilya't kaibigan Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan Dahan-dahan kang naglalakad patungo sa'kin Sa saliw nitong tugtuging... [Chorus] Tan-ta-na-nan, Tan-ta-na-nan Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan Tan-ta-na-nan, Tan-ta-na-nan Aking makakasama sa magpakailanman Ang pagibig na hinanap ko ng kay tagal Nahanap din kita, nahanap din kita Ikaw pala sinta ang bigay sa'kin ng Diyos na lumikha