Daniel Padilla - Handog lyrics

Published

0 279 0

Daniel Padilla - Handog lyrics

Parang kailan lang ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin Dahil sa inyo napunta ako sa aking nais marating Nais ko kayong pasalamatan kahit man lang isang awitin Parang kailan lang halos ako ay magpalimos sa lansangan Dahil sa inyo ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman Kaya't itong awiting aking inaawit nais ko'y kayo ang handugan [Chorus:] Tatanda at lilipas din ako Nguni't mayroong awiting Iiwanan sa inyong ala-ala Dahil, minsan, tayo'y nagkasama Parang kailan lang ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan Dahil sa inyo narinig ang isip ko at naintindihan Dahil dito'y ibig ko kayong ituring na matalik kong kaibigan [Chorus x2:] Tatanda at lilipas din ako Nguni't mayroong awiting Iiwanan sa inyong ala-ala Dahil, minsan, tayo'y nagkasama