Curse One - Ligaw Tingin lyrics

Published

0 898 0

Curse One - Ligaw Tingin lyrics

Ligaw tingin Di ko man ninais na magustuhan kita Sa paningin ko ikaw ay sobrang ganda Isa kang diwatang nakakapukaw ng mata Sa lakas ng dating mo sakin di ka maalis sa isipan ko Ako ay nabihag mo ng di sinasadya Kung pwede nga lang sana ikaw ay sakin na lang Kaso hindi ata pwede Dahil masyadong mataas ang katulad mo Kaya hanggang ligaw tingin na lang ako sayo At kung sasabihin ko man to sayo Baka mapahiya lamang ako kaya [Chorus] Hanggang ligaw tingin nalang ako sayo Dahil di kita kayang abutin Kuntento ng ikaw ay nakikita ko Sa panaginip na lang kita mahahagkan Hindi na bale, basta ikaw nasisilayan ko'y ayos na Masilayan lang kita ay buo na ang araw ko Lumiliwanag ang mundo Mga larawan mo palagi ang tinitingnan ko Lungkot ay napapawi napapalitan ng saya Pag magulo ang isipan ko iyong tinutuwid Sa makatuwid, ikaw ay gamot pag merong pighati Na nararamdaman sana ay kapiling kita Gagawin lahat para sayo kahit mahirap pa Susungkitin ang mga bituin Kahit na malabo na maabot ko 'to Na para bang ikaw Papano ko susundin ang sigaw Ng pusong tinatanaw ay ang tulad mo Eh hanggang dito na lang sa sulat ko Kayang idaan ang damdaming nagsasabing ikaw ay Sundan ko Pero ang kausapin ka ng harapan ay di ko kaya Pagpasensyahan mo na ko sana kahit Repeat Chorus Di ko lubos maisip kung bakit ako ay tinamaan sayo Lalo na pag ikaw ay nakangiti, ang ganda ganda mong Tingnan, pagmasdan ang sarap mong yakapin sinta Ano man ang isuot mong damit ay yong nadadala Kahit di kulay pink ay ang tamis mo sa mga mata ko Walang halong green sa isip ko Muka mo ang laging nakikita ko Ewan ko ba kung bakit ba nahulog na yata sayo Ang puso kong 'to na lubos na nabighani sa tulad mo Hindi ko akalain Na ako ay iibig sa isang tulad mo Ngunit pano ba, anong aking magagawa Akoy walang lakas ng loob. Repeat Chorus