BLKD - Gastador lyrics

Published

0 175 0

BLKD - Gastador lyrics

Mga maangmaangang Gastador ng yaman ng kaban ng bayan Mababangong pangalan, kagalang-galang Sumisingaw ang sangsang [Mga kawatan!] Mga maangmaangang Gastador ng yaman ng kaban ng bayan Mababangong pangalan, kagalang-galang Sumisingaw ang sangsang [Mga kawatan!] Ops, party na naman Matapos mag-golf sa converted sakahan Sakay ng bagong magarang sasakyan Deretso sa resto mga kinatawang kawatan Puro VIPng asal paimportante Mga pulitiko, mga negosyante Mga artista, mga heneral Sosyalan ng mga sosyal na kriminal na kritikal Kung karangyaa'y sakit Balo't ng designer burloloy, shoes, at damit [Pakshet!] ‘Di mabilang sa salapi't a**ets Mula sa ‘di maipaliwanag na rakets [Bastos!] Sa garang mga mansyon Dambuhalaking lupain sa nayon Madalas at magastos na bakasyon Pa'no naa-afford? Walang bakas yon Lahat ng yan ay sa kabila ng Laganap at lumalalang kahirapan Kaya mga gastador, hwag nang magtaka Letchon na kayo, bukas-makalawa Bukas-makalawa Letchon na kayo bukas-makalawa Mga gastador, hwag nang magtaka Letchon na kayo bukas-makalawa Kayo'y naluklok sa inyo-inyong pwesto Dahil ang taumbayan ay naimpress nyo Pero matapos ipangako ang best nyo Presto, nagbago ang letrahan ng kwento Pera at pangalan ginawang puhunan Para sa kapangyarihang masuhulan Mga makamasa raw kung manilbihan Matapos maupo, hindi na nanindigan Akala nyo kung sinong tapat kung pumutak Mabilis pa sa kisapmata kung kumurap Kaya pala serbisyo ay abot-kamay Kasi mga tanggapan ay tanggapan ng lagay Bawimbawi ang gastos para man*lo Malakas pa ang kickback sa nagulat na kabayo At kung may katulad ko mang aangal Madali lang maghugas-kamay na bakal Lahat ng yan ay sa kabila ng Laganap at lumalalang kahirapan Kaya mga gastador, hwag nang magtaka Letchon na kayo, bukas-makalawa Bukas-makalawa Letchon na kayo bukas-makalawa Mga gastador, hwag nang magtaka Letchon na kayo bukas-makalawa [Mga baboy!]