BLKD - BLKD vs Spade lyrics

Published

0 841 0

BLKD - BLKD vs Spade lyrics

[ROUND 1] Ginoong Gio De Leon! Ang angas mo, Wow! Ang pagbungad ko lang spade, mukha kang Siopao! Malas ka sa balasa, ako agad nakalaban mo Mga bara ko ang babara sa pag-aastang raja mo Kahit alas ka pa, sa alaska ko, sapaw at baon ka Gambit -- isang hawak ko lang sa'yo spade, sabog ka At ang spade ay pala, kaya't sa aking pagsagupa Ang mapapala mo lang ay ang paghalik sa lupa Ganyan maglaro ng salita, madali lang sa henyo Pagtapat mo sa 'kin, play agad, parang instagram video Mapunta tayo sa batch 1 Kami yung emcees na pumasa sa unang tryouts ng ligang 'to Apat na special picks plus yung pangunahing tatlo Kampyeon 'to, kaso mula no'n ay wala nang nai-ambag pa Ikaw na nga lang aktibo sa top 3, napag-iwanan pa Matapos ang ilang buwan, kami nina libs, aklas, sayadd ang nanaig Walang naka-dig kay gio kaya si gio nanatiling daig Geo-daig-dig -- kelangan pa bang i-explain yan? Wait lang, si anygma pala ang dapat na may i-explain, man Ano bang turing mo sa tryouts, katuwaang game lang? Matapos kaming pahirapan pinapasok mo mga tulad ni jade wunn? Pero balik tayo kay spade 1 -- este, sa batch 1 T'wing laban mo, handa kaming sa pagkatalo ika'y damayan T'wing laban namin, atat kang makisalo sa karangalan "batch 1!" Parang filipino pride na sigawan ng iba Iba ang pagsuporta sa pakikiari sa pinaghirapan ng iba Ano bang maipagmamalaki mo bilang indibidwal, yang pagiging pogi mo? Eh ginagamit mo lang naman sa panloloko, geo No'ng laban nyo ni sparo, inamin mo, kaliwete ka Nagti-triple time ng babae sa bawa't isa me baby pa Kaso bago pa yon, may kanta na 'tong, ang pamagat, 'querida' Ginawa para maling gawa ay maingawa at maibida Ang tanong, baket? ba't kelangang i-announce pa? Para gwapo ka? para pogi ka? edi ikaw na Dahil kung kelangan mo pang manloko para patunayan ang pagkalalake mo Niloloko mo lang ang sarili mo, ang tunay lang pagkasalbahe mo At hindi ka lapitin ng babae, malandi ka lang tsong Pag nagbeso-beso si tipsy D at notorious, mas pa-chicks ka pa do'n [ROUND 2] Binasted daw ako para sa dos por dos | ang anggulong yon, panget Ako ang tumangging kumampi kay nothingelse, kay batas at kay target At sinasabi mong transparent -- pati yon, panget yon Yung hologram ni 2Pac, transluscent yon At tapos sabi mo sa laban mo kay sparo, nerd ka Nagbanggit lang ng mga baril na nakilala sa counter strike, nerd na? Nang-aangkin ng titulong hindi naman kanya Feeling matalino, feeling thug life pa Gusto mo ng nerdy reference, may gunfire pa? Sapat na'ng apat na/ng .45 para i-flatline ka Walang nakuha, bigyan muna ng textbook at calcu 'to 'tong si geo, walang -metry, walang alam sa anggulo Kaya 'di talino ang dahilan kung ba't bumagay ka sa the pharm Kundi yang fit shirt at itsura mong mala-second rate na skarm Wala pa 'kong kanta sa pharm, pero maraming nananabik Yung mga nag-soundtrip sa tracks mong nanghinayang lang sa beat Kahit walang beat, sadyang malupit ang ine-express ko Mas pinapakinggan pa ang judging ko kesa sa best verse mo Kasi 'tong intel ko heavy, ang kay geo, light Kung may mabigat man 'tong info, bawat kilo, bite Ako kumpleto-anggulo, para k** on sight Kala nyo may tricks yung camparang sa neo fight Kaya parang neophyte Ako'y nananakit ng kapatid parang hazing lang Hanggang batch 1 ka lang, ako mala-batch 81 Wala 'tong mararating sa pagra-rap; ako na'ng aako ng misyon Dahil sa pag-rock ng mic, 'tong de leong 'to, walang direksyon Basta, kung anong uso, agad, sunod ka Kaya isang kumpas ko lang, mapapaluhod ka Sa pag-angkas sa antas ko, 'di 'to dapat sumugal Binigyan ka na ng compa** at mapa, 'di pa matutong lumugar Kasi kung walang isabuhay 'di naman tayo magtatapat | nek-nek mo Kaya lang naglapit, para kay aric -- wip at SSO At kapag restless 'to, wala nang rest-rest 'to You'll get served in filipino -- barrio fiest resto Uuwi 'tong naka-barong, magiging best dressed 'to Kaso may bulak sa ilong | magiging breathless 'to [ROUND 3] Gusto ko sanang mag-rebut, sumagot nang pa-angas Kaso hindi ako nagre-rebut pag walang linyang malakas Gusto nyong makarinig ng bars, yung teknikal, yung malalim? May magandang halimbawa si spade, unawain natin "silencer, gusto mo ng mamon? Yung makapal na labing 'to pare ko gagawin kong palaman dun sa sabon Na hindi mo na kailangan pang imulat" Ano daw? baka kelangan ng 'slow it down' "silencer, gusto mo ng mamon Yung makap" -- pwe! Tsong... Kahit freestyle pa yon, malaking kagaguhan yon Ultimo si aklas, si aklas, nalabuan do'n At bakit ba laging may 'tulok', 'uhog', 'tae', 'ihe', 'luga' ang rap mo? Kanino ka ba nagpapatulong sumulat, sa mga anak mo? Mapa-freestyle o written, malabo ka tsong Ang lagyan mo ng laman, yang utak mo, wag yung sabon Tatlong dragon Naaalala nyo pa yon? Sina shehyee, apekz, spade, pinagbuklod Ni skarm para lang ihain sa 'ki't ipabugbog Tapos na 'ko sa dalawa | namasdan nyo ang paglubog Green ranger -- isang ihip ko lang 'tong dragong 'to susunod Dragun-dragunan ka lang kase, parang dragon dance Sa suguran ng sunugan tyak na wala 'tong chance 'di 'to tatagal sa heat parang bandwagon fans May husay ka naman, ayaw mo lang umabante pa Buhay rapper ka na no'ng ako'y buhay studyante pa Nauna kang mag-rap pero ako'ng hahabulin mo Kasi inaral ko lahat bago tinangkang pasukin 'to Yung freestyle mo, abot ko na, sa isang araw lang na praktis Bago mo abutan writtens ko, mahahanap mo muna'ng atlantis Tagahanga lang ako no'n, emcee na ngayon Emcee ka na no'n, tagahanga na lang ngayon 'di sapat ang itsura at pagiging una sa pagpapayabong ng career At patunay ang labang 'tong daing ang pogi ng ma-appeal Ako ang greater contender, you better go now! Ang pantapos ko ule spade, Mukha kang Siopao!