Asin - Itanong Mo Sa Mga Bata lyrics

Published

0 485 0

Asin - Itanong Mo Sa Mga Bata lyrics

Ikaw ba'y nalulungkot, ikaw ba'y nag-iisa? Walang kaibigan, walang kasama Ikaw ba'y nalilito, pag-iisip mo'y nagugulo? Sa buhay ng tao, sa takbo ng buhay mo? Ikaw ba'y isang mayaman, o ika'y isang mahirap lang Sino sa inyong dalawa ang mas nahihirapan? Refrain 1: Masdan mo ang mga bata Masdan mo ang mga bata Ikaw ba'y walang nakikita Sa takbo ng buhay nila Masdan mo ang mga bata Ang buhay ay hawak nila Masdan mo ang mga bata Ang sagot ay 'yong makikita Ikaw ba'y ang taong walang pakialam sa mundo Ngunit ang katotohanan, ikaw ma'y naguguluhan Tayo ay naglalakbay, habol natin ang buhay Ngunit ang maging bata ba'y tulay Tungo sa hanap nating buhay? Masdan mo ang mga bata Ang aral sa kanila makukuha Ano nga ba ang gagawin Sa buhay na hindi naman sa atin? Refrain 2: Itanong mo sa mga bata Itanong mo sa mga bata Ano ang kanilang nakikita Sa buhay na hawak nila Masdan mo ang mga bata Sila ang tunay na pinagpala Kaya dapat nating pahalagahan Dapat din kayang kainggitan? Repeat Refrain 1: