I Ako ang bunga ng bagong siglo Anak ng hirap, luha at abo Ang inyong mithiin ang nabigay buhay sa akin (Hoy!Hoy!) Sa bawat sulok may bagong kalaban Sa bawat sandali may bagong hadlang 'Di sumusuko 'di matatapakan 'Di luluhod at walang iiwasan Chorus: Ako ang simula ng pagbabago Ako ang susi sa pangarap mo II Parusa, pasanin pabigat sa damdamin Kahit inosente pinipilit umamin Walang mapuntahan, walang mataguan Isang himagsikan lang ang kailangan Chorus II Ako ang simula ng pagbabago Ako ang susi sa pangarap mo Kasangga mong wagas ngayon hanggang bukas Kaalyado mong tunay sa tuwid na landas Matibay ang loob, kagitingang likas
Ako ang katarungan Ang sandata mo Bridge: Larawan na walang mukha Pintado ka ng galit at luha Pinilit kang itapon Sa paglipas ng mga taon Gumising ka't bumangon Oras mo'y padating ngayon Adlib...... III Masdan mo ang pagyanig ng lupa Pagsubok sayo ng lahat ng bathala Sa iyong kamay, lahat nakasalalay Itaas mo sa langit ang tanglaw ng tagumpay Chorus III Ako ang simula ng pagbabago Ako ang susi sa pangarap mo Kasangga mong wagas ngayon hanggang bukas Kaalyado mong tunay sa tuwid na landas Matibay ang loob, kagitingang likas Ako ang katarungan Ang sandata mo (mo) Adlib then Intro till fade....