Itong awiting ito Ay alay sayo Sintunado man tong Mga pangako sayo Ang gusto ko lamang Kasama kang tumanda Patatawanin kita Pag hindi ka masaya Bubuhatin kita Pag nirayuma ka na O kay sarap isipin Kasama kang tumanda Ibibili ng balot pag mahinang tuhod Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod O kay sarap isipin... Kasama kang tumanda... Sasamahan kahit kailanman Humigit kumulang di mabilang Tatlumpung araw sa isang buwan Umabot man tayo sa three thousand one Magmukha mang bruha Paggising sa umaga Pupunasan ko pa Ang muta mo sa mata
O kay sarap isipin Kasama kang tumanda Ipaglalaba pa kita Matapos mamalantsa Kahit abot-abotin Man ako ng pasma O kay sarap isipin Kasama kang tumanda Sasamahan kahit kailanman Mahigit kumulang di mabilang Tatlupot araw sa isang buwan Umabot man tayo sa three thousand one Loves na loves parin kita Kahit bungi bungi ka na Para sa akin ikaw parin Ang pinakamaganda O kay sarap isipin Kasama kang tumanda At nangangako sayo Pag sinagot mong oo Iaalay sayo buong puso ko Sumang-ayon ka lamang Kasama kang tumanda