Sang araw tayo'y namasyal, upang pagod natin matanggal Kailangan nating maaliw bago tayo tuliyang mabaliw Nagawi tayo sa may dagat, at sa ating pagmamasid Biglang may batang sumisid at tayo'y nabigla Dahil buong akala, malalim ang dagat Mababaw lang pala [Chorus:] Hanggang napagod tayong umikot Kung saan saan na rin pala tayo umabot Ang gusto lang natin malaman Meron pa ba tayong ibang mapupuntahan? Nagawi tayo sa isang tabi, may aleng naglalako ng Cotton candy Sarap titigan, sarap kainin, pero pag kinagatan
Parang wala palang laman… [Repeat Chorus:] Naakit at napabili tayo ng lobo At di sinasadyang nabitawan. Di man lang natin Hinabol. Hinayaang lumipad, hanggang mawala Hanggang makalimutan na natin Kung bakit nga ba tayo naakit… Hanggang napagod tayong umikot Kung saan saan na rin pala tao umabot At huli na nang ating malaman Wala na pala tayong ibang mapupuntahan Hanggang ditto na lang… Isang araw tao'y namasyal Upang pagod natin matanggal