Verse 1:
Mga simpleng puso na nagkasundo
"Di na papipigil saan mang bagyo
Hayaang sakupin ka ng aking mundo
Pag_ibig nitong himig ay para lang sayo Chorus:
Wag mong ipipilit, Wag kang pumilipit
Pag-ibig ay ganyan talaga
Hindi to perpekto, Hindi rin sarado
Luluha ka talaga
Oh, kaliwa't kanan man minsa'y 'di nagkakasundo
Pag-ibig ko'y iyo hanggang sa dulo Verse 2:
Ako'y patawarin, bahid ay linisin
Sugat ay hilumin, isa't isa'y salamin
Tunay na pag-ibig ay 'di bituin, hindi buwan
Lungkot ay lisanin, luha ay punasan Chorus:
Wag mong ipipilit, Wag kang pumilipit
Pag-ibig ay ganyan talaga
Hindi to perpekto, Hindi rin sarado
Luluha ka talaga
Oh, kaliwa't kanan man minsa'y 'di nagkakasundo
Pag-ibig ko'y iyo hanggang sa dulo