Dati rati
aking mga gabi tahimik lang
sa mundo'y walang paki-alam
ngunit nang masilayan ka
ihip ng hangin nag iba
nang ika'y makausap,
di maipaliwanag ang saya
napupuno ng kulay ang
mga araw na dati'y kay salat
nagagalak makilala
nasasabik makasama
araw at gabi
nagku-kwentuhan lang
sa iyong tabi
parang wala na itong hangganan
araw at gabi
puno ng ligayang nararamdaman
pag ibig na ba ito
nahuhulog na nga sayo
Dati rati
gulong gulo ang isip
ngunit sayong pagdating
oh kay sarap nang umidlip
dahil alam kong nandyan ka
di na muling mag iisa
at sa pag mulat ng mata
ikaw ang nais kong makita
napupuno ng kulay ang
mga araw na dati'y kay salat
nagagalak makilala
nasasabik makasama
araw at gabi
nagku-kwentuhan lang
sa iyong tabi
parang wala na itong hangganan
araw at gabi
puno ng ligayang nararamdaman
pag ibig na ba ito
nahuhulog na nga sayo
araw at gabi
nagku-kwentuhan lang
sa iyong tabi
parang wala na itong hangganan
araw at gabi
puno ng ligayang nararamdaman
pag ibig na ba ito
nahuhulog na ba sayo...