Malayo pa ang umaga, Kahit sa dilim Naghihintay pa rin Umaasang bukas ay may liwanang Sa aking buhay umaga ko'y aking hinihintay. Sadya kayang ang buhay sa mundo Ay kay pait, walang kasing lupit Kailan kaya ako'y 'di na luluha? At ang aking pangarap Ay unti-unting matutupad. Refrain: Malayo pa ang umaga, 'di matanaw ang pag-asa Hanggang kailan matitiis ang paghihirap ko?
At sa dilim hinahanap Ang pag-asa na walang landas Kailan ba darating ang bukas para sa'kin? Malayo pa ang umaga, 'di matanaw ang pag-asa Hanggang kailan matitiis ang paghihirap ko? At sa dilim hinahanap Ang pag-asa na walang landas Kailan ba darating ang bukas para sa'kin? Malayo pa ang umaga.