Parokya ni eman Eman, ewan Lasing na naman Ang puso't isipan [Verse I:] Kapag may problema nandiyan lang si eman Maaasahan lalo na't 'pag may inuman Kapag kay bigat na ng suliranin mo sa buhay Sagot niya'y sang bote ng alak na lamang idaan [Koro:] Eman, ewan Lasing na naman Ang puso't isipan [Verse II:] Sa araw-araw parating may toma Sa lungkot at ligaya, hirap man o sa ginhawa Sa gitna ng gulo at pagkabigo ay karamay
Sa pag-istambay at sa paglasap ng tagumpay [Koro:] Eman, ewan Lasing na naman Ang puso't isipan [Tulay:] Ngunit ngayon sya naman ang may problema Sa kakainom ang atay nya ay may tama na Ang aking payo dito sa kaibigan ko Iwanan ang alak kumain na lang tayo... [Koro II:] Eman, ewan Nagising na ang diwa't isipan Eman, ewan Sa inuman anjan, namumulutan na lamang...