Di ba't sinabi mo sa akin dati Na mahirap kumain ng tsokolateng Natunaw at parang wala nang korte Kadiri nang kainin, mukha nang tae Ewan ko ba kung bakit mahirap ibalik Sa original na hugis pag Nalusaw na sa init Chorus 1 Parang tiwala pag nasira na Mahirap nang ayusin pa Di kayang ipagdikit Ang tiwala pag napunit Parang nangyari kailan lang... Meron akong nakitang nakatagong regalo sa likod ng kotse mo Hugis puso na kahon, at may red na ribbon Mamahaling toblerone at, Noong aking tingnan, para sa iyo mula kay Christian Agad kong binuksan, tsokolate ang laman At di ko malaman kung ba't kailangang Itago sa akin ang katotohanan
Ang dami-dami mo palang tsokolate, Di ka man lamang nagsasalita Ewan ko ba kung bakit hindi ko napigilan Ang regalo mo'y naubos ko Nang di ko nalalalaman Chorus 2 Parang tiwala pag naubos na Bigla-biglaan talaga Mahirap nang makita Kapag minsa'y nawala At kahit na pilitin, di mo na mapapalitan, Kahit hanap-hanapin, di mo na mababalikan, Kahit sabihin natin na ika'y mapagbigyan, Huwag na lang... Ewan ko ba kung bakit Mahirap tanggalin ang tsokolate pag natunaw at kumapit na sa ngipin Parang tiwala pag namantsahan na Mahirap nang linisin pa Di kayang burahin Kahit na anong gawin Parang tiwala...