[Verse 1] Kailan nga? Huli mong sinabi sa aki’y nagpakaba Tibok ng puso ko’y kumakaripas na Nag binanggit mong tayo’y may pag-asa Kahapon lang sambit mo pa [Pre-Chorus] May-ari ng puso ko’y kilala mo Hayaang tadhana ang magtalaga nito Maari bang damdamnin ko’y yakapin mo Hanggang pagmulat ng mata [Chorus] Panaginip lang pala Pag-ibig kong umaasa Kahit sa isang awit akin ka ng saglit Sandaling ‘di ‘pagpapalit kahit isa lang panaginip [Verse 2] Minsan nga Sa panahong bigo’y talunan ay nandiyan ka Pinapawi ang luha’t gumagaan bigla Pasaning buha’t para bang naglaho na
Lalo na nang binulong mo pa [Pre-Chorus] Problema’y darating at lilipas din Kabigua’y hudyat na ng simulain Hawak kamay nating harapin Hanggang pagmulat ng mata [Chorus] Panaginip lang pala Pag-ibig kong umaasa Kahit sa isang awit akin ka ng saglit Sandaling ‘di ‘pagpapalit kahit… Panaginip lang pala Pag-ibig kong umaasa Kahit sa isang awit akin ka ng saglit Sandaling ‘di ‘pagpapalit kahit isa lang panaginip Isa lang panaginip Oh… oh… Wooh oh… oh… Oh… oh… Wooh oh… oh… Oh… oh… Wooh oh… oh… Wooh Panaginip…