[Verse 1] Kung babalikan natin ang panahon Mga alaala nating pilit kinalimutan Iwasan man natin ang pait ng kahapon Ito'y magbabalik sa unang pagkakataon [Pre-chorus] Tayo'y may sumpaan Tila magkaibigan Magtutulungan sa hirap o ginhawa man [Chorus] Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaligayahan? Na naranasan natin sa nakalipas na panahon Noong tayo'y masaya at namumuhay ng payapa Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaligayahan? Nating dalawang magkaibigan. [Verse 2] Bawat kwento ng pusong nagmamahalan May pagsubok na pagdaraanan Magkaiba man ang ating mundo Tayo'y magkaisa sa pagtupad ng isang pangako [Pre-chorus] Tayo'y may sumpaan bilang magkaibigan magtutulungan sa hirap o ginhawa man (Sa hirap o ginhawa man)
[Chorus] Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaligayahan? Na naranasan natin sa nakalipas na panahon Noong tayo'y masaya at namumuhay ng payapa Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaligayahan? Nating dalawang magkaibigan... [Bridge] Sa pagdaan ng panahon may kasalanang binabayaran bakit nga ba nagka-ganiyan? (Bakit nga ba nagka-ganiyan?) (Bakit nga ba nagka-ganiyan?) [Chorus] Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaligayahan? Na naranasan natin sa nakalipas na panahon Noong tayo'y masaya at namumuhay ng payapa Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaligayahan? Nating dalawang magkaibigan... Magkaiba man ang ating mundo, hindi hadlang upang matupad Ang ating pangako (Ang ating pangako) ooohhh...