[Verse 1]
Paano ko aaminin ito?
Tunay kong nadarama para sa'yo
Alam ko na magkaibigan lang
At may ibang nilalaman ang 'yong puso
[Pre-chorus 1]
Pa'no ko kaya matututunan
Kalimutan lang
Pagtibok ng puso ko'y mapipigil ko pa
[Chorus 1]
Pag-ibig na 'di pa mapagbibigyan
At hindi ko magawang pakawalan
Maghihintay ako
Maghihintay sa'yo
Dahil bukas malay mo maging tayo
[Verse 2]
Kay tagal ko na nadarama
Paglukso nitong damdamin
Tuwing nariyan ka na
Oh bakit di mo tingnan, tamis nating pinagsamahan
Bawat sandaling tinawag mo ang aking ngalan
[Pre-chorus 2]
Paano kung nabubulagan na ang iyong pagtingin
Pagkat sigaw ng puso ko ako'y iyo't ika'y akin
[Chorus 1]
Pag-ibig na 'di pa mapagbibigyan
At hindi ko magawang pakawalan
Maghihintay ako
Maghihintay sa'yo
Dahil bukas malay mo maging tayo
[Bridge]
Sa tagal na magkasama
Ano bang di nakikita?
At kailangan bang humanap ng iba
Kung hindi maging isa mundo nating dalawa
Ako sana'y iwanan na
[Chorus 2]
Pag-ibig na 'di pa mapagbibigyan
Ngayon na ba ang panahong pakawalan?
Ngunit natututo ba?
Tigilan na sa pag-asa
Na baka bukas malay mo maging tayo