Diba, napag-usapan na natin to?
At sabi mo, ay iiwasan na’t walang manggugulo
Ano ang gagawin ko? Parang nauubos pasensya ko
Mauulit nga lang ba ito?
Ang dahilan, kung bakit hindi ko nararamdaman,
Ay baka nasanay lang ako
Kailan ako mawawalan ng pakialam?
Naghihintay, na madinig na ang iyong paalam
Madaling magbigay ng tawad sa kanino man
Ngunit mahirap isipin ang napagdaanan
Ano ang gagawin ko? Parang nauubos pasensya ko
Mauulit nga lang ba ito?
Ang dahilan, kung bakit hindi ko nararamdaman,
Ay baka nasanay lang ako