Ngayon mundo'y gulung-gulo At lahat tayo'y litung-lito Pag-ibig sa kapwa tao Sa daigdig dapat ituro Kung bawa't puso ay marunong magmahal Kapayapaa't kasiyahan tiyak na makakamtan Lahat tayo'y pantay-pantay Sa biyaya ng Maykapal Lahat sana'y akbay-akbay Handang tumulong kanino man Kung bawat tao ay marunong magmahal
Ano mang kulay o salita Tiyak na makiki-isa Je t'aime, te amo, I love you Watashi wa anata o aistimasu Ich liebe dich, iniibig kita Wa Ai Ni Paano man sabihin Ang mundo'y turuan natin Tanging lunas ang pag-ibig Isang mundo, isang awit Isang sigaw, Pag-ibig.