[Verse 1] Parang panaginip ang makita ang isang katulad mo At ang kislap ng ‘yong mga mata, at ang ligaya na iyong dala’y ibang-iba [Pre-Chorus] Pero sa liwanag ng umaga ay ika’y nawala At ‘di man lang nasabi na aalis ka na Pero hanggat may bituin sa langit ay ‘di ako nag iisa Maalala pa rin kita, kahit saan man mapunta [Chorus] O, paraluman, kelan ka ba mahahagkan? Sabihin mo naman paraluman Para ‘di na mainip, para ‘di na mag isip Kelan ka uuwi paraluman? Lagi kang aabangan, kahit pa matagalan O, paraluman, magpakita ka naman [Verse 2] Sa’king mga panaginip lang makikita ang isang tulad mo (Isang tulad mo) Nanaginip ng gising para bang lasing Kung saan saan nalang nakatingin [Pre-Chorus] Kasi sa liwanag ng umaga ay bigla kang nawala At ‘di man lang nasabi na aalis ka na Pero hanggat may bituin sa langit ay ‘di ako nag iisa Maalala pa rin kita, kahit saan man mapunta
[Chorus] O, paraluman, kelan ka ba mahahagkan? Sabihin mo naman paraluman Para ‘di na mainip, para ‘di na mag isip Kelan ka uuwi paraluman? Lagi kang aabangan, kahit pa matagalan O paraluman, magpakita ka [Bridge] Kahit magbago man ikot ng ating mundo Kahit na umulan pa man o bumagyo Hindi magbabago ang pagtingin ko sa’yo Pangako sa’yo andito lang ako Kung sa panaginip lang muna tayong dalawa Kahit sa panaginip pangako wala nang iba (Wala nang iba) Sa puso’t isipan ikaw naman talaga (Ikaw naman talaga) Pangako sa’yo andito lang ako [Chorus] O, paraluman, kelan ka ba mahahagkan? Sabihin mo naman paraluman Para ‘di na mainip, nakakapagod mag isip Kelan ka uuwi paraluman? (Kelan ka uuwi) Lagi kang aabangan (Lagi kang aabangan) Kahit pa matagalan (Kahit pa matagalan) O paraluman, hanggang sa susunod na lang