[Verse 1] Kahit na ano pang problemang magdaan Sa buhay kong ito na merong pagkukulang Mga panahong dumaan at lumipas na 'Di ko alam kung saan magsisimula Suliranin ng buhay na aking dinadala Parang larawan na tila 'di ko maipinta Sana'y muling lumitaw ang katotohanan Sa mga bagay na hindi ko maintindihan [Pre-Chorus] Ako'y babangon basta't tayo'y magkasama Ating haharapin sa hirap o ginhawa [Chorus 1] Sa piling mo, makakayanan ko Lahat ng hamon, aking malalampasan 'Di papatalo, 'di ako palilinlang Puso't isipan, aking ipaglalaban Basta't ako ay may karamay Iaalay ang buo kong buhay para sa 'yo [Verse 2] Anumang pagsubok ang aking tatahakin Taas noo, buong tapang kong susuungin May kaagapay na hindi na dapat mangamba Kahit ano pa ang sabihin ng iba
Dati'y sumuko dahil puso'y sugatan Galos ng kahapon ay aking napaglabanan Dahil ako'y kumapit sa 'yong mga bisig Alang-alang sa ngalan ng pag-ibig [Pre-Chorus] Ako'y babangon basta't tayo'y magkasama Ating haharapin sa hirap o ginhawa [Chorus1] Sa piling mo, makakayanan ko Lahat ng hamon aking malalampasan 'Di papatalo, 'di ako palilinlang Puso't isipan, aking ipaglalaban Basta't ako ay may karamay Iaalay ang buo kong buhay para sa 'yo Para sa 'yo [Chorus 2] Oooh Sa piling mo, makakayanan ko Lahat ng hamon, aking malalampasan 'Di papatalo, 'di ako palilinlang Puso't isipan, aking ipaglalaban Basta't ako ay may kasama Alam kong meron pang pag-asa Basta't ako ay may karamay Iaalay ang buo kong buhay Para sa 'yo