[Cathy Go:] Oh inday! Oh inday! Oh inday! Inday ng buhay ko… Oh inday! Oh inday! Inday ng buhay ko… [Chorus: Cathy Go] Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya Kapos lang sa kaunlaran kaya’y walang makita Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko? Bumyahe nalang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya Gusto ko sanang maging doktor ng medisina Ngunit si itay ay magsasaka lang ang kapatid ko ay pito Mahainan lang ang hapagkainan ang trabaho ko ay ito… [Verse: Gloc-9] Pantalon na maong, labhan mo ng pakamay Ang aking tira-tira’y takpan mo Pagtapos kanang kumain ang sahig punasan mo Mula baba hanggang taas lampasuhin hagdanan ko Dapat walang alikabok nikatiting sa mga muebles Ayokong inuulit ng higit sa isang beses Sa lahat ng utos ko, walang tanong kang susunod Pagkausap mo ako, kulang nalang ay lumuhod Bilisan mo maglakad, sige! Buhatin mo lahat Wala akong pakialam kahit na ubod ng bigat
Kapag tinawag sa gabi dapat tulog ka ng dilat At handa kang maglinis kapag ako ang nagkalat Kahit gaano kadumi, ang mabaho’y amuyin Tuwing ako’y malalasing lahat ng gusto ko’y sundin Kung ayaw mong sayo ay mayroong mangyaring masama “Oo” ang isasagot sa gusto kong ipagawa O sa gusto kong gawin at sa gusto kong makita Paulit-ulit hanggang sa hindi ka nagkabisita Makakaalis kana, di na kita kailangan Bago tumawag ng pulis dahil ako’y ‘yong ninakawan [Chorus: Cathy Go] Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya Kapos lang sa kaunlaran kaya’y walang makita Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko? Bumyahe nalang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya Gusto ko sanang maging doktor ng medisina Ngunit si itay ay magsasaka lang ang kapatid ko ay pito Mahainan lang ang hapagkainan ang trabaho ko ay ito… Inday! Oh inday! Oh inday! Inday ng buhay ko… Oh inday! Oh inday! On inday ng buhay ko…