Napanganga nang ika'y unang makita Naakit sa perpekto mong mata Tumibok ang puso ko nang malala Maya-maya ay nagulat, kaharap na pala kita. Refrain: Biglang natulala nang nakausap ka 'Di ko namalayang nahuhulog na pala Dibdib ay sumikip, ako'y napapikit Pagmulat ko'y makulay na paligid. Chorus: Sa sariling mundo ko, hawak ko ang 'yong kamay Magkasalo sa pagkain at sa pagtulog ay sabay Parang cotton candy sa sobrang tamis Araw-araw ay ikaw lang ang mami-miss
Sa sariling mundo ko na umiikot lamang sa'yo Napanganga nang ika'y muling makita Pinagmasdan ang perpekto mong mukha Feeling ko ako si Alden, at ikaw si Yaya Dub Kailan ba masasabing sa'yo ako'y inlove? (Repeat Refrain) Chorus II: Sa sariling mundo ko, magka-loveteam tayo 'Wag mag-alala dahil pagmamahal ay totoo Ako si Daniel at ikaw si Kathryn Ako si James Reid at ikaw si Nadine Dito sa mundo ko, ikaw lamang ang para sa akin.